Akyat sa kwarto. Hahanap ng gagawin (kesa tumulala lang), pero hindi ko magagawa yun dahil wala ako sa pokus. Walang kakausapin at mananahimik. Bad tayming, tumawag pa si Itay, tumawag din ang tiyahin ko. Buti sana kung pwede kung sabihin sa kanila na masama ang loob ko. Magpapanggap nalang ako na walang problema. Tsk, di pa naman ako best aktres. Tawagan ko nalang siguro ang bespren ko para magsumbong--di pala pwede, nangako ako sa kanya na 'di ko sya gagambalain ngayong weekend. Pero masama ang talaga ang loob ko. Naiiyak ako sa inis. Isipin mo nang OA ako pero wala akong pakialam.
Hindi ko alam kung bakit, pero madali talagang sumama ang loob ko kapag hindi natutupad ang mga bagay na inasahan ko nang mangyari. Kuha mo? Kapag may ipinangako ka sakin, o sinabi sakin, tapos hindi matutupad o mangyayari ay sasama talaga ang loob ko. Sasama ang loob ko sa'yo. halimbawa sinabi mong "Sa Saturday, aalis tayo ha?" O di kaya "Sige, bibigyan kita niyan" ..itatatak ko na sa utak ko 'yan, na para bang iniskedyul ko na 'yan at dapat mangyari. Sa madaling salita, aasa ako sa sinabi mo hanggang tuparin mo iyon. Kaya naman kapag hindi natupad 'yan ay sasama talaga ang loob ko. Maiinis ako sa'yo. Maiinis ako sa mga dahilan na humadlang sa pangakong napako. Ewan ko, siguro kasi, pag nangako ako, sisikapin kong matupad iyon at sa pagkakaalam ko, hindi pa ako nagpapako ng aking pangako. Alam ko kasi ang pakiramdam ng isang taong umasa tapos walang nangyari.
Siguro ganito talaga ang buhay sa mundo, may mga taong hindi marunong tumupad sa pangako, o sa napag-usapan. Kelangan ko na sigurong tanggapin ang katotohanang iyon, at ng mas malawak na pang-unawa. Naisip ko lang, si Jesus nga, kapag humingi ako ng tawad, pinapatawad niya ako, tapos mauulit na naman 'yung kasalanan ko. edi hindi rin ako tumupad sa usapan diba? Pero dahil mahal niya ako, kahit nakakasama sa loob ang ginawa ko, andyan parin siya. kasi mahal niya ako e. At si God, hinding hindi mapapako ang pangako niya. Kaya hinding hindi ko iisipin na wala ng pangakong natutupad ngayon.Sana po Lord, 'yung mga taong nangangako sakin ay matutong tumupad sa napag-usapan, at bigyan niyo narin po ako ng Grace para mangibabaw ang pagmamahal ko sa mga taong 'yon at mawala ang sama ng loob ko sa kanila. hehe :-D
Hindi na masama ang loob ko :'-)
No comments:
Post a Comment