Showing posts with label Tula. Show all posts
Showing posts with label Tula. Show all posts

Tuesday, May 7, 2013

Ikapitong araw
Simula ng ikaw
Ay huling nakausap.
Ako'y nanabik,
Kaibigan matalik,
Na ika'y maramdaman,
Na ika'y masilayan,
Na tayo'y muling magkita,
Ngunit wala atang mahihita,
Sabi mo'y ika'y abala,
Ako naman ay tulala.
Nagmumukhang kawawa,
Wala akong magawa.
Bakit ba kay tagal?
Ang puso ko'y napapagal.
Lubos akong nag-alala
Naghihintay, wag naman sana sa wala.


Wednesday, November 28, 2012

Nais ko nang mahimbing
Ngunit ako'y nananatiling gising
Sa isip mo ba'y ako'y nasa iyong piling?
At inaasam-asam ang aking paglalambing?

Huwag mo naman ako masyado isipin
Baka ika'y magsawa't mawala ang pagtingin
Nais ko lamang na sa iyo'y sambitin,
Wag mangamba, ika'y iniisip ko rin.

Kaunting oras na lamang at umaga na,
Nakatingin sa langit sa bukas na bintana
Iniisip kung ano ang ating tadhana
At kung sa dulo'y haharap ba tayo sa dambana

Mahirap intindihin ang nagbubugsong damdamin
Ngunit mabuti na ito muna'y pigilin
Ipikit na ang mga mata, tayo ay manalangin
Nasa isip nati'y magkakatotoo din.

May tamang panahon, Huwag tayong maiinip
Sa ngayon tayo muna'y manatili sa ating mga isip
Tulog na, aking mahal, ang aking panghalip
Ako'y bibisita sa iyong panaginip