Sunday, August 5, 2012

Ang Text


Karaniwang gabi. Nakahiga ka habang pumipindot sa cellphone, nakiki-WIFI sa kapitbahay, nagbabasa ng iyong timeline. Biglang nag-vibrate ang cellphone mo. May natanggap kang mensahe. 'Sos, 8888 lang 'yan. O baka nanalo ka na naman sa isang promong hindi mo sinalihan. 'Di ka rin nakatiis. Tinignan mo. OWWMYGOLLY! Nagtext SIYA! "Good Evening" na may tatlong tandang padamdam. Galit ata 'yan. May smiley din na walang ilong. Shocks. Wala ka palang load. Di ka naman kasi nagloload pero dali-dali kang naghanap ng barya at nagpaload sa pinakamalapit na tindahan. Malayo pala ang tindahan. Nabasa ka tuloy ng ulan kasi wala kang payong. Pero ayos lang sa'yo. Sabi mo, "Anong i-rereply ko?", nagreply ka ng "Good Evening din sa'yo :-)". Wala na siya dahilan para sumagot kasi hindi ka na nagtanong, pero umaasa ka pa rin na magrereply siya. 30 seconds..Naiinip ka na. Huwag ka namang excited. 3 minutes, toot-toot! May nagtext pero hindi siya. Dismayado ka. Isang kaibigang mapang-asar lang pala. Nainis ka pero nagreply ka naman. To kill the time nga naman. Toot-toot! Nagreply na SIYA.."Ano gawa mo? :)". Nagreply ka ng "Uhm wala naman. hehe. ikaw? hehe :-D". Para ka'ng baliw. Toot-toot! Nagreply SIYA! Sabi niya, "Uhm wala din hehe". Nagreply din si Kaibigang Mapang-asar. Siyempre inuna mo SIYA. Nagreply ka talaga kahit walang sense ang sinabi makapagreply lang. "Hehe. Ikaw talaga ______". Boom. Nilagay mo pa ang pangalan niya. Hindi mo alam na kay Kaibigang Mapang-asar mo ito naisend. Nabuko ka tuloy. Oh my, nagreply si Kaibigang Mapang-asar. "Kapag SIYA ba ka txt mo lagi kang nag rereps at nagloload?!! hahahahahahaha". Patay ka. Bakit kasi ganyan ka na? Dati ang tamad mo magtext. Hindi ka nagloload. Dati naiipon lang ang laman ng inbox mo at isang linggo ang buhay ng baterya mo. Ano na ang nangyayari sa'yo? Wait, nagtext ulit SIYA. "Kumain ka na ba?". Nangiti ka. Hoy, huwag kang assumera. Malamang 'yan din ang sinend niya sa sampu niya pang katext ngayon. O baka naman 'yan talaga ang script niya. Nagreply ka. "Diet ako e, hihi :-D". Honglondeeh mo 'te! Nagtext ulit si Kaibigang Mapang-asar. Alam niya na ang sikreto mo wala ka ng kawala. Nagreply ka ng "Sige, Aral muna ako" kahit hindi naman talaga. Ayaw mo lang ng istorbo, kasi nagugulat na may kasamang pananabik ang bawat pagnginig ng cellphone mo. Nagreply parin siya. Wala paring kwenta ang reply niya. "Hehehe. Cge2." Pero maswerte ka parin, kasi hindi bastos na "K." ang natanggap mo.

Tsk. Tsk. Tsk. Ano ba 'yan. Sayang lang ang pinaload mo. Nabawasan lang ang battery mo. Nainis ka lang. Wala parin talagang tatalo sa pakikipag-usap ng personal. Makikita ang tunay na emosyon. Ang tunay na motibo. Ang tunay na intensyon. Ang tunay na gustong ipahiwatig ng isang tao. Ang text, hindi. Malabong Usapan. Mga Ungas. Mabuti pa kunin mo nalang ang libro mo. Buksan mo at mag-aral ka. May quiz pa kayo bukas.


No comments:

Post a Comment