Insignificant notes in Accounting world but very significant to one Accountancy student.
Sunday, November 18, 2012
Pag-ibig, Isang Patimpalak?
Ang aking pangarap
Pag-ibig mong mailap
Pinilit na mahagilap
At ikaw ay nahanap
Ngunit ako'y napatulala
Sitwasyon ko'y malala
Sapagkat aking naalala
Sayo pala'y maraming nakapila
Kumukuha ng iyong atensyon
Sumusugal ng emosyon
Nagbibigay ng panahon
Na tila ito'y kompetisyon
Sa dami ng sumusuyo
Ako ba'y dapat ng lumayo?
Mistula bang malayo
Ang pag-asang maging tayo?
Sa aking mga kalaban
Sa hugis ng pangangatawan
At sa kanilang kagandahan
Ako'y walang kalaban-laban
Ako ba'y susuko?
Ano ba ang laban ko?
Akin lamang maipapangako
Pag-ibig na hindi mapapako
Hindi ka magrereklamo
Iyon sana ang makita mo
Iyan ang aking pagsamo
Pag-asang nais matamo
Tila kalaba'y humahalakhak
Sa kabiguan, ako'y nasasadlak
Tanong ko lamang, sa aking pag-iyak
Pag-ibig nga ba'y isang patimpalak?
Nakakalungkot isiping
Pag-asa ko'y katiting
Ngunit sa puso ko'y hinihiling
Sa dami ng sayo'y nahuhumaling
Na kahit sila ay unahin
Ako'y di mawawala sa'yong paningin
Dahil ako ang iyong pipiliin
Pipiliin na mahalin.
At 'pag ako ang napili
Hindi ka na masasaktang muli
Mamahalin kita sa bawat sandali
Dahil sa puso ko, ika'y walang katunggali
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment