Insignificant notes in Accounting world but very significant to one Accountancy student.
Sunday, November 18, 2012
Tatlong Salita
"Nababaliw ka na"
Sinasambit mo ito ng paulit ulit sa aking isip. Tatlong katagang madalas kong marinig mula sa'yo, at sa madalas mong pagsambit nito ito'y naging paborito mo na. Madalas mo itong sinasambit tuwing tayo ay magkasama, sa mga panahong kaya kong gawin ang lahat upang mapangiti ka lamang. Maging katawa-tawa, magmukhang tanga. Sa mga panahong nangigiti ako kapag kasama kita, kapag kausap ka, kapag nakatitig ka sa aking mga mata, ika'y takang taka at sasambitin ang mga salitang ito. Siguro nga tama ka, nababaliw na nga ako 'nun. Sana mas ninamnam ko ang tatlong salitang 'yun, baka sakaling mas nagising ako ng maaga. Palibhasa ibang tatlong salita ang nais kong marinig mula sa'yo. Tatlong salitang hinding hindi ko maririnig. Pero, paano kaya kung ang tatlong salita na nais kong marinig ay iyong naging paborito? Ano kaya ang ating estado? Masaya kaya tayo?
Salamat at 'di mo 'yun naging paborito. Totoo, walang biro. Hindi ko na naririnig ang pagsambit ng paborito mong mga salita, hindi ko rin naman hinahanap-hanap 'yun. Napapangiti na lamang ako sa mga nakaraan sa likod ng mga salitang 'yon, at sa aking pag-ngiti, hindi ako nababaliw, masaya lang ako. Dahil ako ay nabaliw ngunit natuto.
Ikaw? Nababaliw ka na ba?
Labels:
Love,
unrequited
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment